"KAIBIGAN"
sinulat ni Christopher AzurinNagsimula ang lahat
nung tayo'y mga bata pa
Sa umpisa'y nahihiya sa isa't -isa
ngunit pagka-kaibiga'y nabuo na nga
Sa eskwela'y laging nagkikita
nagtutuksuhan laging naghaharutan
ika'y hinding-hindi malilimutan
aking minamahal na kaibigan
Magkakaiba na nga ang takbo
nang buhay nang bawat isa...
Ngunit ang nakaraan sa akin
ay sariwa pa
Panahon man ay lumipas
sana'y pinagsamahan nati'y
hindi kumupas..
kaibigan ko..
sa akin sana'y hindi ka magbago
Pumasok na nang sekundarya
ang iba'y kung minsan na lamang kung magkita
ang iba'y natuto na nang mga bisyo
at ang ila'y nanatili sa pagiging konserbatibo
Ang ilan ay nagtutuga sa pag-aaral
at ang iba'y nagloloko parang walng patutunguhan
kahit minsan na lang kung magkita
Mga ngiti sa labi'y hindi nawawala..
Ang ibay nagpatuloy sa kolehiyo
at ang ila'y pinili nalang na magtrabaho
ang ibay maagang nagkapamilya
at ang ila'y wala na kaming balita
Nakaklungkot mang isipin
kelan kaya ulet tayo mag-bobonding...
Kay sarap sariwain ng nakalipas,
parang kailan lang ang lumipas
May mga pinalad, nasa ibang bansa na ang ilan
ang iba nama'y medyo naghihirap pa
ngunit alam ko isang araw...
lahat tayo'y giginhawa
Kaibigan ko....
may gusto akong sabihin syo....
miss na miss na kita
pede bang mayakap ka.....
Nagsimula ang lahat
nung tayo'y mga bata pa
sana'y hindi magwakas
hanggang tayo'y matanda na...
Isa siyang awit na nagpapatungkol sa mga karanasan at mga pinagdaan ng mga magka kaibigan. Sanay inyong naibigan ang nilalaman at ang mensahe na nais nitong iparating at maging inspirasyon sa mga araw pang darating. Marahil ang ilan, Ito rin ay napagdaanan kung kaya't natutukoy nila na ito'y tama at may pinag basehan.
Sa lahat ng mga magka kaibigan, bigyang halaga ang inyong pinagsamahan. Ito'y isang kayamanan na dapat ingatan, Ito'y hindi bagay ngunit dapat din namang pahalagahan. Ang iyo at aking kaibigan ay mahalaga. Panalangin kong sa mga darating na panahon lahat tayo'y muling magkita't magkasama pa!
No comments:
Post a Comment